|
|
|
| |
[ Monday, April 25, 2005 ]
gumising..
Got this from an email. Just wanna share..Tumatanda ka na, tol. Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon. Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea. Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa. Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR. Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo. Labels: email article, life
 Posted by Che @ 4:55 PM
|

[ Monday, April 18, 2005 ]
i'm gonna be alright..i know
Lately I've been winning battles left and right But even winners can get wounded in the fight People say that I'm amazing I'm strong beyond my years But they don't see inside of me I'm hiding all the tears They don't know that I come running home when I fall down They don't know who picks me up when no one is around I drop my sword and cry for just a while 'Coz deep inside this armor The warrior is a child Unafraid because His arrow is the best But even soldiers need a quiet place to rest People say that I'm amazing I never face retreatBut they don't see the enemies That lay me at His feet They don't know that I come running home when I fall down They don't know who picks me up when no one is around I drop my sword and cry for just a while 'Coz deep inside this armor The warrior is a child They don't know that I come running home when I fall down They don't know who picks me up when no one is around I drop my sword and cry for just a while 'Coz deep inside this armor The warrior is a child
Labels: lyrics
 Posted by Che @ 7:51 AM
|

[ Thursday, April 07, 2005 ]
Galera break-away
tiresome..
Finally, after 2 to 3 years (if i remember it right..) of not going to any beaches, i've come to taste the saline sea, the slightly white sand, the skin-burning heat and the mindoro sling of Puerto Galera at Oriental Mindoro.
A 3 to 4 hours travel from Manila by land and by sea. Well, the travel isn't bad after all.
Things I savored: - sound of waves.. as it hits the 'bangka' and the sand. sarap pakinggan! - sand.. which i used to cover my feet and legs. relaxing feeling..- shore at night.. i just lay down and star gazed.. a peaceful sight.. muntik na ko makatulog!- single-blessedness.. it isn't that bad. Happiness is a state of mind. having a partner should not always be a reason to be happy. Man! it's my life..it's now or never. i aint gonna live forever! - 20 minute banana boat ride.. sayang! d tumaob. pinagmumura kc ni marlee yung boat driver e. haha..- the time.. time for myself and the creator.. a break away from the hustle and bustle of work. jeeezh.. i've been a workaholic. a regular job and a side-line?! it's hard pala.. have no time for myself, really.. kulang pa sa tulog..5th wheeler me w/ blue, nicole, marlee and tin
- the henna tatoo.. had a tatoo for 100 bucks. hehe!
 - the scenery/view.. 'feeling photographer muna'

- marlboro lights.. a partner for life! d nangiiwan kc ako ang iiwan.haha!Leaving my mark.. Ayus!That's it.. it's only an overnight stay there. Kulang pla..
Labels: travel
 Posted by Che @ 10:48 AM
|

|
© http://cheheki.blogspot.com
|
|
|