[ Tuesday, September 27, 2005 ]

paglalakbay sa Hong Kong


Noong makalawang linggo ay umabsent agad ako ng 2 araw sa trabaho para sa trip ng pamilya na nakaplano na nung isang taon pa. Swerte nga naman at magbubukas pala ang disneyland ngayong taon. Ayos!

DAY 1 "Setyembre 15 - THURS"

8 am ang flight papuntang HK kaya dapat 5 am ay nasa airport na kami at nagchecheck-in. Malamig ang panahon at late na kami nagising. Nakalimutan ko din kasi mg-alarm. Mabuti na lng at ginising kami ng boyscout na si Jelvin (bunsong kapatid) ng 4am. Nasira ang pinagusapan na 3am na gising. Nagmadali..mabilis na naligo. Nakaalis kami bago mag-5am sa bahay. Ayun 5:30 na kami dumating sa Centennial airport. Hindi naman mashadong late kaya ok lng.

TIP 1: Wag kakalimutan mg-alarm lalo na pagmahalaga ang lakad

PAL airport..
mejo kinabahan ako nung pinadaan ko yung hand carry ko na bag dun sa detector machine kasi may lighter akong dala. Buti na lang at nakalusot. Naalala ko tuloy nung trip namin sa bangkok nung 2003 ay nakalusot din ang lighter ko. Mukang hindi naman pala bawal. Kung bawal kasi yun, pano na ang mga colleagues ko na mga yosi addict? baka magpumiglas yun sa mga airport guards. Pano na din ang baga ko na umaga, tanghali, gabi ay buong pusong tinatanggap ang usok na dumadaan sa esophagus? Bibigyan ko ba naman sya ng pagkakataong mamiss eto? Syempre hindi.

Pagpasok sa waiting area malapit sa gate na paghihintayan ay namataan namin ni Leslie (kapatid ko at isang colleague sa pagyoyosi) ang isang coffee shop kung saan pwedeng magyosi ng buong ligaya. Pagpasok ko e humingi agad ako ng ash tray. Syempre hindi ako binigyan kasi kelangan ko daw muna umorder. Ngak.. oo nga naman. Wala akong dalang pera. Mabuti na lng at may pera pala etong si Les at umorder kami ng 2 gintong mineral water na nagkakahalaga ng Php40 isa.

Habang nagyoyosi ay pumasok ang mga muka na nakikita ko sa Encantadia (isang prime time na palabas sa ch. 7). Kita mo nga naman umupo sila sa katabing table namin. Wow! nakaka rubbing elbows namin sila Bobby Andrews, asawa nya, Michael Roy, Brad Turvey, gf ni Brad na si Amanda Griffin at yung Direktor na di ko alam ang pangalan. Kaya ayun, feeling artistahin na din kami. hahah.. Nagngitian nga si Bobby Andrews pati si Les. Mayamaya ay dumating din ang iba naming kasamahan na sila Cyndi Kurleto na parang bangag at walang make-up at Alfred Vargas. Hindi ko sila tinititigan baka kasi mapansin nila na gusto kong magpapicture. hahah..

coffee shop..
1st pic: Les, Ving

2nd pic: Les, Ving and Jel (ako, cameraman..sa left nakaupo ang mga co actors/actresses namin. hahah.. nahiya kami magpapicture e baka madiscover kami ni Direk)


4 na sticks na lang. Kulang. Kulang ang dala kong yosi. Mas mahal kung sa HK bibili. Pagkaalis sa coffee shop ay binaybay namin ang mga tindahan sa airport at nakahanap ng bilihan ng yosi. Bumili si Les ng 1 kaha ng Marlboro reds (Php55). Bumili ko ng 1 kaha ng Winston lights (Php40) at 1 kaha ng Capri Menthol (Php120). Masakit sa bulsa ang capri pero pinangakuan ko kasi ang baga ko na dahil bakasyon at paglalakwatsa iyon, patitikimin ko naman sya ng blue seal.

TIP 2: bumili na ng madaming yosi bago umalis. Namahalan pa tuloy sa airport


habang naghihintay pa din. wala kasing magawa.. pacute muna : ako at Jel



Sa eroplano..
Ewan ko ba kung long lost friend ng nanay ko ang katabi nya. Pag-upo plang e balitaktakan na sila ng balitaktakan. Ako naman, binasa ko ang dala ni Jel na cartolina. Nagulat at natawa ko kasi puno ng sulat ng mga kaklase nya. Mala-palanca letter ang dating. Akala ata e magmamigrate kami?!! heheh..

Ayaw mag seatbelt ni Ving (kapatid ko din at kakambal ni Jel). Tinanong ko kung baket. Gusto daw nya masita sya ng stewardess at yun ang maglagay ng seatbelt nya. Ngak! e mukang may edad na ang mga stewardess ng PAL kaya hindi mukang kaaya-aya ang magpapansin sa kanila. Ayun nagseatbelt na pala sya. Mabuti at napansin din. Pagka take-off mayamaya pa lang e rumuronda na naman ang mga stewardess. Tinanong ako. Ham and Sausage? or Tocino with rice? hmm.. ano ba masarap dun? mga 10 segundo siguro ko nag-isip kaya inuna muna yung sa tatay ko na ham and sausage. Ayun ginaya ko na lng ang tatay ko. Without rice para mejo light. Ang pagkukunwaring diet.

Ketchup! hindi ko makain yung ham and sausage at hashbrowns. Bakit ganun lasa?! lasang microwave. Kelangan ko ng kechup. Matagal kong hinintay na pansinin ako ng stewardess. Kinulet ko na ang nanay ko na tawagin yung stewardess sa side nila (dun kasi ko sa kabilang aisle). Sabi nung isa, yung ketchup daw nila e sa pambatang meal lang. Aba! nasabi ko na lang, "bata pa naman ako ah!" Hindi ata naniwala. Hindi ako binigyan ng ketchup. Mabuti at napansin na ko nun stewardess sa side ko. Ang sabi naman nya, yung ketchup daw e nasa first class pa. Tinanong ako, "Is it ok for you to wait?" Sabi ko na lng, "no prob, I'll wait forever". hahah..

*Think mode*.. ang ketchup ba pang 1st class lang? ang mga nakasakay sa economy class hindi ba nagkeketchup?!

TIP 3: Magdala ng sariling ketchup (Next time, dadalhin ko na ang stock ko ng ketchup sachets courtesy of McDonalds and Wendys. Ako ata ang pinaka huling kumain at ilang minuto na lang e lalapag na sa HK ang eroplano sa kakahintay ng ketchup)

HK airport..
Pangatlong beses ko na nakatapak sa airport nila. Kasi nung trip ko dati, Cathay yung sinakyan namin kaya dun yung stopover para lumipat sa ibang eroplano. Wala naman mashadong pinagbago. Airport pa din sya. Pagdating sa immigration, matagal tinitigan nung Chinese yung passport ko. Nagtataka ata dun sa picture ko sa passport. 2 na kasi yung pic ko dun. Kaka-renew lang ulet. 5 taon yung agwat nung 2 pic. Yung 2001 picture muka kong nene na walang kamuwang-muwang. Yung pic ngayon, muka nakong totoy. hahah..

1st pic: me and jel

2nd pic: mama, papa, jel, les and ving



Pagsakay namin sa tourist bus na mgdadala samin sa hotel e biglang nagpasukan na naman ang mga taga Encantadia. Kita mo nga naman. Kasabay pala namin sa bus ang mga colleagues sa showbiz! heheh.. Ilan lang kami sa bus. mga 20 lang siguro. Kinukulit na ko ni Jel..

jel : ate, papicture tayo
ako : anu ka ba? nakakahiya
jel : sige na ako na lang lalapit at magsasabi basta picturan mo kami sayang kasi yung chance
ako : o sige, pero wag ngayon. baka tomorrow kasama din naten sila kaya tom na lang
jel : sige

kaya kami na lng nagpicturan.. pati labas sinama ko na din
1st pic: me and jel

2nd pic: labas ng rambler hotel



3 hotel ang dadaanan ng bus :
1st stop - Rambler Hotel
2nd stop - BP Int'l Hotel
3rd stop - Kowloon Hotel

Pagdating sa New Territories bumaba na yung ibang Pinoy na turista sa Rambler hotel. Pagkatapos dumirecho na ang bus papuntang Tsim Sha Tsui, Kowloon. Tsim Sha Tsui ang pinaka city sa HK kung saan mdaming tindahan at kainan sa tabi-tabi. Doon ang BP Int'l at Kowloon Hotel. 2nd stop, bumaba na kami. Sayang! sa Kowloon Hotel kasi yung mga showbiz people. heheh

Maayos yung hotel. Nalagpasan nya ang expectation ko. Malaki ang lobby, may malaking hagdan kagaya sa new world hotel, may screen ng flight schedules sa tabi ng elevator, carpeted ang corridor at rooms. Madami rin freebies at gamit ang kwarto. May toothbrush, slippers, bath gel, shampoo with conditioner, hair dryer, cable tv, alarm clock na nakikita ko sa pelikula, 2 klase ng tissue (yung roll at yung naka box) sa cr, hot & cold water, face and body towels, 4 lampshades sa wall (4 kami ng mga bros ko sa room) na pedeng macontrol ang dim, hangers at ang importanteng 2 ashtrays. heheh.. Sa labas e may pantry pa na may 2 vendo machine at water dispenser na libre lang ang tubig.

Alam ko 3-star hotel sya pero mukang hindi. Para saken mga 4 to 5 star. Kaya sa mga nagbabalak mag HK na nakakabasa nito. Nirerekuminda ko ang BP Int'l house. Oks sya! Hindi naman kamahalan. Mas mataas lang ng konti sa Rambler at Panda pero mas mababa sa iba. Saka nasa Tsim Sha Tsui din sya kagaya ng ibang mahal na hotel kaya walking distance lang ang mga tindahan at kainan kagaya ng 7-11 at McDo.

TIP 4: Maganda ang BP Int'l House - Austin Road, malapit sa Nathan Road (sa mga gusto mag HK jan.. sa may-ari ng BP.. commission ko po!)

BP Int'l sa gabi..
1st pic: side view

2nd pic: front view


Map. Napaka importante ng libreng mapa sa HK airport. May ganun din ba sa Pinas? May libreng mapa din ba tayo sa airport? Mukang wala.

*Think mode*.. sana may mapa din tayo sa airport. Malaking bagay 'to sa turista. Factor din yun kaya bumabalik ang mga tao sa HK at kaya din malakas ang income ng bansa nila pagdating sa turismo. Kahit mandarin ang salita e hindi naman nawawala ang mga turista.

Ang laking ginhawa ng mapa sakin. Ayoko kasi ng nawawala. Pagka pahinga at konting tulog sa hotel e lumabas kami at ako ang nagsilbing tourist guide sa pamilya. Pagkahanap namin ng lugar kung san kami may libreng agahan sa 3 pang araw e dinala ko sila sa McDonalds. hahah.. Gutom na kasi kami at dun kami naghapunan. Syempre meron silang ibang pagkain na wala dito. At meron din na meron dito na wala dun kagaya ng kanin..rice!!!

Kaya eto na lang inorder ko.. Grilled chicken burger, fries at coke. isang meal na yan kagaya ng mga McSavers meal dito. price: H$24.5 x 7.2 = Php176.4


TIP 4 : Wag magcoconvert pag pagkain ang usapan at baka mamatay sa gutom kasi mahal talaga pagkinonvert sa peso

*Think mode*.. Pagnagcoconvert ako, damang dama ko ang napakababang ekonomiya naten sa Pinas. hay.. kelan kaya tyo makaka-bangon at mkakapag-convert ng H$1 = Php1 man lang?!!

Pagkatapos kumain e naglakad kami ng malayo papuntang Cameron road sa tapat ng Park hotel para magpapalit ng Php to H$. Pinoy ang nagbabantay ng Forex na yun kaya umaasa kami na mas mababa ang ibibigay na rate. Habang nagpapalit ang magulang ng pera. Nagyosi muna ko at picture taking na naman.

Cameron road.. ako, jel, ving at les



Mejo masakit na ang paa ko. Babalik na din kami sa hotel sa wakas pero kelangan muna dumaan sa 7-11 para bumili ng tubig. Gusto ko uminom.. pero hindi tubig. Napagisip-isip ko na bumili ng Alchohol para din makatulog ng maayos. Smirnoff black ice. 2 bote para saken at kay Les. Yan ang una kong binili sa H$ sa wallet ko. Price: H$ 14.5 each = H$30 x 7.2 = Php216

Sa CR kami uminom ni Les..

1st pic: Les
2nd pic: Les and me



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DAY 2 "Setyembre 16 - FRI"

Itinerary: Hong Kong city tour and Shenzhen china side trip.. ( 8am dapat nakapagbreakfast na dahil anjan na si Mr. Lee, ang tourist guide para sa HK city tour. )

sa bus..
Asan na ang mga taga showbiz? mukang wala.. inisip ko na lng na baka sa disney andun sila kasi malulungkot si jel at hindi nakapagpapicture. heheh..

1st destination: Victoria Harbour

Para 'tong baywalk sa Manila. Picture taking lang

1st pic: view at victoria harbour


2nd pic: ving, jel, les and me


2nd destination: TSL jewelry
Factory outlet daw ng jewelries. Tumingin lang kami. Mashadong mahal kahit lifetime warranty.

3rd destination: Grocery shop ng mga champoy, pony bags at Tshirts
Bumili lang ng champoy at mga Tshirts para sa pamangkin na kids. Dun ko binili ang pamaypay na pasalubong ko kay nanay (lola ko)

Lunch..
Matipid ang lunch. Nauna hinain ang mga dimsum na d ko alam ang tawag. Tapos pansit na mukang inadobo dahil sa kuley nito. May kanin naman na hinain sa wakas at ibang ulam na d ko ren alam ang tawag. Nakakabusog naman.Pagkatapos ng kain e tinawag kaming lahat ni Mr. Lee. Kala ko papabalikin kami sa bus. Yun pala, nagkawalaan mga chopsticks sa restau. Ibalik daw lahat ng chopsticks! wahahah.. Hindi kami kumuha ng chopsticks. Yung mga ibang pinoy na kasama namin gusto atang itake-home. Mabait naman ang mga noypi kaya binalik ang chopsticks sabay ngiti. hihihi..

Albert. Sya ang tour guide papuntang Shenzhen. Kelangan daw namin mag-train kaya binaba kami ng bus sa train station..
Hung Hom to Lo wu


ang mga pinagbabawal sa loob ng train.
1st pic: No eating and drinking (penalty: H$2000) 2nd pic: At kelan pa bawal kumanta?! kala ko bawal kumanta e..bawal pala mag-ingay


1st pic: jel, ving and les
2nd pic: popsie (pinoy na kasama sa tour), chinese kids


Pagdating sa Shenzhen. Immigration na naman.. China na kasi yun. Nahilo na naman sa kakatingin ng picture ko sa passport.

Pasaway. Gusto daw tumiwalag sa grupo ang 2 kasamahan sa tour. Ayaw kasi nila sumama sa ibang destination. Gusto lang nila magshopping. Hindi pumayag si Aaron, ang tour guide sa Shenzhen, kasi kargo nya ang buong grupo. Mahirap pag nagsolo ang dalawa.

TIP 5: Wag pasaway lalo na pag nasa ibang lugar

1st destination: Windows of the world
Picture taking lang..




2nd destination: Minerals chuva (nakalimutan ko na pangalan)
Puro jade ang tinda nila. Mayaman kasi sa jade ang china. Bumili kami ng dragon boat kasi sabi daw sa Feng Shui swerte daw yun sa business. H$200. nauto ata kami.heheh..

3rd destination: Silk factory
Maganda. Maganda yung sales lady. heheh..

Dinner.. sa wakas! Gutom na kami e.. Kumain kami sa isang restau dun. Masarap at madami ang pagkain. Hindi ko na matandaan mga hinain pero may rice! As usual, tea pa din ang inumin. Lasing na ko sa tea..

Shopping. Malapit sa train station ay may tiangge aka Greenhills sa Pinas. Sabi nga ni Aaron. All products in Shenzhen are 100% imitation. Balak ko sana bumili ng mp3 player. Pero nung nakita ko yung mp3 player, isang linggo palang mukang hindi ko na magagamit. Pagpasok ko sa tindahan tinanong ko kung magkano. H$400 daw! ngak! tapos tinawaran ko.. how much daw tawad ko? aba mukang balak ibigay ng H$200. Yoko na.. mukang sirain talaga. Sabi ko, "i'll get back to you" Aba.. hinawakan ang braso ko nung ms. Ayaw ata ko paalisin. Inulit ko, "i'll get back" Ang kulet. Tinatanong, "how much are you willing to pay?" Ngak, kakatakot.. Lumabas na talaga ko baka pagsamantalahan pa ko. heheh..
Hinanap ko si Albert. Tinanong ko..

ako: are there good mp3 players here?
albert: hmm.. i don't suggest you to buy electronics here. There's no warranty
ako: ah.. ok. thanks..

10:15 pm Pagod na pagod na 'ko. Gusto ko na bumalik sa hotel. 10:30pm kami nakasakay ulet sa train. Mejo bumabagsak na mata ko sa train.. Bigla kong kinausap ng katabi kong mommy na pinay na kasama sa tour..

mommy: Family kayo? kapatid mo sila?
ako: opo
mommy: ah.. sya maputi (nakaturo kay jel)
ako: opo, sya pinaka maputi saming apat, yung isa kakambal nya. (tinuturo ko si Ving)
mommy: talaga? hindi sila magkamuka
ako: opo hindi.. yung isa (tinuturo ko si Les) pangalawa, ako panganay
mommy: tlga? akala ko sya yung panganay.
ako: heheh. hindi po..

Nakanang!! hindi ko alam kung muka lang talagang matanda si Les, o baby face lang talaga ko. bwahahah..

past 12 midnight na kami nakadating sa hotel. Asan lighter ko?! pucha.. nawawala ang lighter.. Dumaan muna ko sa 7-11 na tapat lang ng hotel. Pinili ko ang pinaka murang lighter. Putek.. H$4!! x 7.2 = Php28.8. E Php5 lang yung dito! Kinuha ko na din kesa sa wala.

TIP 6: Wag burara. sayang ang pera

Nakatulog na kami kagad sa sobrang pagod..


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DAY 3 "Setyembre 17 - SAT"

Happy Birthday to me.. Happy Birthday to me.. Happy Birthday! Happy Birthday!! Happy Birthday to me!!!

Itinerary: Disneyland

woohoo!!! umandar na naman ang pagkabata ko. =) Pero totoo, kaarawan ko ang araw na iyan.

sa bus.. artista check.. wala pa din ang mga encantadia people. Lagot. Mukang hindi na namin sila makikita. Ayun, hindi na nga namin nakita. Nawala na ang chance ni jel. tsktsk..

TIP 7: Wag sayangin ang chance/opportunity dahil maaaring hindi na 'to dumating ulet

papuntang disney..
sa loob ng bus. Sa Lantau island ang Disneyland. Pareho sila ng lokasyon ng airport pero mas malayo pa ang airport kapag galing kowloon.


10 am ang bukas..pictures..pictures..
1st pic: Jel (d ko alam ba't yan napili nyang pose. taga Disney din ba si McDonalds??)
2nd pic: Ving, Les, Jel, Mama and Papa


Bawal ang magpasok ng pagkain sa loob kagaya sa EK. e kaso, mahal daw ang pagkain dun. Nagbaon pa din ako ng oreo at binalot ko sa extra shirt ko. Ayun hindi nahuli ng pala-ngiting guard. heheh..

Unang ride, sa train na iikutin ang buong disney. Isang ikot at bumaba na ulet kami. Malaki ang disneyland kumpara sa EK. Mejo nagkaron na kami ng idea kung ano ang uunahin puntahan. Pero bago ang lahat kelangan ulet ng pics sa Main Street..

ako yan, ngiting-ngiti! at pinapalabas ang buong ngipin. heheh..


Pagkatapos e dumirecho na kami sa Fantasyland para kumain ng maagang pananghalian at magpapicture sa mga disney characters. (dun ako excited sa mga disney characters..hahah..)

Entrance papuntang Fantasyland.Sleeping Beauty Castle


Sa Banquet hall. Sadyang mahal ang pagkain sa loob. Price: H$45 per meal. x 7.2 = Phph324
1st pic: Les, Ving and Jel
2nd pic: Ang kinain ko na hindi ko maubos. Mashadong malaki ang servings. Sana inuwi ko na lang sa aso ang natira ko


TIP 8: Itanong muna kung gano kalaki ang servings ng isang meal bago umorder (Sa meal na binili namin, pwede na 2 tao)

Tamby pagkakain.
1st pic: Jel, Ving at ako.. sa labas ng adventureland (may yosi area kasi dun)
2nd pic: Jel at Carmen aka sandara daw (crush ni jel na nagtatrabaho sa Disney.heheh.. chinita talaga weakness ng kapatid ko)


Sa mga parang gazebo sa loob ng fantasyland, andun ang mga disney chars. Tig-isa silang gazebo kung san blockbuster ang pila sa bawat isang mascot. Pinagchagaan namin pumila para mahawakan, makamayan, mayakap at makapagpapicture kila Mickey mouse, Minnie mouse, Tiger, Pooh at Donald duck na tila mga long lost friends.

Ayos naman at mabilis ang andar ng pila. Nabigo si Jel sa kagustuhang makapagpa -autograph kay Mickey. Ballpen lang kasi dala nya tapos ang liit pa ng papel. Gusto ni mickey e pentel pen at notebook na malaki kasi malaki yung kamay nya. Gets? Hindi nya kasi mahahawakan yung ballpen. Sila Goofy at yung iba ay nabigo din kaming hanapin.


Lakad, lakad hanggang mapadpad kami sa Tomorrowland. Nak ng tinapa! nagsimula na pala ang parade. Hindi na namin nakita ang mga ibang naunang float. Little Mermaid na float na ang naabutan namin. Kapansin-pansin si Ariel sa tuktok ng float dahil sa sobrang pagkaway at projection nito. Hindi ko na din sya mashado tinitigan kasi nakakahawa ang pagproject nya. Sumunod ang Toy Story float, pagkatapos lumabas ang kulungan ng mga original disney characters. Pucha! andun pala sila Goofy kasama sila Mickey!

Little Mermaid..


Toy Story.. w/ Les and Jel


Kulungan nila mickey



Makulimlim ang paligid. Napagtanto namin na puntahan na ang adventureland kahit hindi pa namin talaga na pasukan ang rides sa fantasyland at tomorrowland. May malaking treehouse sa gitna at kelangan magbalsa para makatawid. Kerchak ang tawag sa malaking machine operated na balsa. Pag tungtong sa treehouse umulan. Ang lakas ng hangin at ulan. Sumilong muna kami sandali. Sayang ang oras kakainis. Bahala na 'to. Naglakad pa din kami ni Les at Jel papasok sa treehouse kahit umuulan. Naiwan sila ving, mama at papa sa baba. Basa na kami.

Adventureland photos-


Pagkatila ng ulan, balik lakad ulet. Balik Tomorrowland at kain muna. Mabuti at may tindahan ng burger, fries at chicken. Nalungkot ako kasi wala silang spaghetti o kahit anong pasta. tsktsk.. Binili namin yung meal na may 3 chicken at fries. Price: H$35 or H$40 ata ang isa. Basta ganyan presyo, naguulyanin na ata ko. Dalawa lang binili namin dahil busog pa din kami. Pagkatapos e picture taking na naman..

Tomorrowland photos


Balik kami sa fantasyland para manood ng Golden Mickeys at iba pang nakalimutan namin pasukan.

Golden Mickeys. Pumila ng pagkahaba-haba. Wow! Theater pala yun. Maganda at mejo kalakihan. Biglang nagsalita yung host. Putek, mandarin ang salita. Pero ayos lang kasi yung mga kanta naman e english. Ewan ko na lang kung gusto pa nila i-translate yung sa Beauty and the Beast at iba pang disney songs. Nagtagal ng 25 minuto. Akala ko mga 45 minutes kasi nabusog talaga mata ko. Bawal kumuha ng picture habang on-going ang performance. Wala e. Pasaway mga tao. Ayun, naging pasaway din kami. heheh..

Golden Mickey photos..


Mickey's Philharmagic. Mas maliit na movie theater kumpara sa Golden Mickeys. Isang 3D movie 'to. Makulit at astig ang effects. Nung nagsabog ng tubig si Donald e naramdaman namin ang basa. Tila parang ambon. Pati yung mga pagkain e may amoy. Sarap maging bata talaga o! 10 to 15 mins ang palabas.

Adventures of Winnie the Pooh. Dito sobrang haba at tagal ng pila. Pucha ang corny ng ride. 5 mins lang ata at sobrang pambata.

Balik sa Tomorrowland para sa Buzz Lightyear Astro Blasters na ride. Walang pila, ayus! Dito kelangan mo bumaril at pagmadaming nabaril madaming points. Pambata din.

Gabi na. Gutom na naman kami. May 3 palabas/rides pa kami na hindi napasukan. Hindi na nga namin sinakyan ang sobrang pambata except Carousel na una namin sinakyan ni Jel nung umaga pa lang bago kumain.

1. Space Mountain sa Tomorrowland
2. Festival of the Lion King sa Adventureland
3. Disneyland Story sa Main Street, USA

Clopin's Festival of Foods. Jan kami umorder ng dinner. Price: H$40 isang meal. Pagserve nung roast pork hindi ko na eto nagustuhan. Ang panget ng amoy. Binigay ko na eto kay jel at kinain ko na ang baon kong oreo. Nagtaka ang tatay ko ba't ayaw ko kumain. Ayun para kong paslit na pinapagalitan ng tatay kaya tumayo nako at bumili sa StarLiner Diner kung saan may burger at fries. Binili ko ang Kid's Meal (burger, fries at coke). Price: H$25. Sinabi ko sa ms., "Take - Out" Aba hindi ata ko naintindihan. Tsk.. naalala ko "Take-Away" yung term sa kanila. Ayun, pinaghirapan kong bitbitin ang pagkain.

Past 8pm na. Badtrip hindi na namin napuntahan yung natitirang 3 rides/palabas kasi kelangan na dumaan sa mga souvenir shops at 9pm na din ang fireworks sa Castle tapos magsasara na ang Disney.

Ang daming tao sa souvenir shops. Nagmamadali lahat makabili ng pampasalubong. Ang mamahal ng mga tinda. Ilan lang ang nabili ko. Nang magbayad ako hindi ko inaakalang kakausapin pa ko ng Cashier lady..

C lady: Where are you from?
ako: Manila, Philippines *smiling*
C lady: ah, You came here just for disneyland?
ako: no, for tour and shenzhen too
C lady: how do you say Thank you in Filipino?
ako: salamat (aba sinabayan ako.. alam naman pala niya. pero yung accent nya ganto: sala-mat. mabilis na "sala " tapos naiwan ang "mat".)
ako: tosha (thank you in mandarin) *sabay smile ulet*

Muka nakong bangag nung gabi dahil sa pagod. Kung hindi lang ako bangag e makikipagkwentuhan pa 'ko dun. Malapit na magfireworks. Pero 9:15 e dapat andun na din kami sa meeting place kung san susundo si tourist guide Felise. Lumabas na kami ng gate. Naabutan na namin yung fireworks pero malayo na kami. Kinilabutan ako kasi habang nagpuputukan e may background music ng mga disney soundtrack na in-snyc sa pagputok. "Part of your world" tapos biglang.. " a whole new world". Astig talaga!

Pauwi. Nakatulog nako sa bus sa pagod. Nagising na lang ako nung malapit na sa hotel.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DAY 3 "Setyembre 18 - SUN"

Uwian day. Tapos na din ang birthday ko.

Late na kami gumising at nagbreakfast kasi free day namin yun. Hindi na kami sumama sa Ocean park tour. Naglakad kami papuntang Rosary Church sa may Chatham Road para makapagsimba. Tapos na ang English mass. No choice, nagsimba kami sa lengwahe nila. Ayus din naman kasi kung pano yung pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa misa dito e ganun din sa kanila. Iba lang talaga ng salita. Antok na antok pa din ako nun kaya habang nagkukunwari na mataimtim na nagdadasal at nakapikit ay tulog ako. hehe..

KFC. sa KFC sa Cameron road kami naglunch. Nabalitaan kasi namin sa ibang Pinay na may rice na yung KFC. Bucket meal. price: H$124. dalawa lang ang rice kaya kelangan umorder pa ng extra. Extra rice : H$8.90 yung konti. Yung mejo madami-dami e H$15. Ginto!! ginto ang presyo ng kanin..

Balik hotel.
3:15 bumalik na ang tourist guide para ihatid kami sa airport. 6pm kasi ang flight. 8pm ang dating sa Manila.


Pagcheck-in sa airport dumirecho na agad kami sa gate 15. Naghanap ng yosihan.. Wala.. Hay.. Tiis na lang. Kesa naman mgbayad ng H$5000 kung pasaway.


Boarding na..
Tapos na ang trip. Back to reality na kinabukasan at kayod ulet. Paalam HK. Hanggang sa muli! (Babalikan ko pa yang 3 rides)


*singing.. "manila, manila..i keep coming back to manila.."

Labels: , ,



Posted by Che @ 8:17 PM | 0 comments




[ Monday, September 26, 2005 ]

leson por tudey


"Tignan muna ng mabuti ang sasakyan bago ito iwan"

pangyayari kanina..
5:10 pm, Maligaya akong nagpaalam sa boss at mga officemates dahil uuwi nako. Madali akong pumunta sa parking area dahil dadaanan ko pa ang magulang ko sa makati. Pagpasok ko sa sasakyan e nagpalit agad ako ng tsinelas at ipinasok ang susi. Pagpihit ng susi.. ang tahimik. nanibago ang tenga ko.. isa lang ibig sabihin nito : ayaw magstart ng sasakyan. Sh*t.. Dali kong binuksan ang hood at chineck ang tubig. Ni-refillan ko eto at sinubukang pihitin ulet ang susi. Putek! patay ang battery. Walang kinalaman ang tubig. Tinext ko ang nanay ko para sabihing ayaw magstart ng sasakyan. Sinabi ko din na puntahan ako at magsama ng marunong mag-troubleshoot. Hindi ako kinabahan o napressure man lang sa sitwasyon. ewan ko ba.. Sadyang mahinahon akong bata. Pagkatapos ng 10 minuto e dumating na sila mama at papa na nakasakay sa taxi. Binaba ni manong taxi ang isa nyang baterya at yun ang ginamit para umandar ang sasakyan. Bravo! napaiyak nya eto. Sa tabi ng sasakyan e kinausap ako ng isang lalaki. Asawa sya ng nagtatrabaho din sa pinagtatrabahuhan ko.

lalaki : anong problema?
ako : ayaw po magstart e. mahina na baterya.
lalaki : ah.. kasi kanina nakita ko yan na bukas pa ang ilaw
ako : talaga po? ngek.. nakalimutan ko ata patayin *sabay smile*
lalaki : pinasabi ko nga sa guard para i-announce. madidiskarga kasi battery
ako : ganun po ba? yung narinig ko kasing announcement kanina yung tungkol sa blood donation. heheh =)
lalaki : ganun ba. *smiling*

Sabi ko nga! isa ka ng dakilang ulyanin che. tsktsk.. heheh.. ;p

Labels:



Posted by Che @ 9:08 PM | 0 comments




[ Thursday, September 22, 2005 ]

belated


dear me,

so how are you right now? how's HK? how's the trip? how's work? by the way, belated happy birthday! another blessed year huh.. a year older again. I guess right now you're wiser, stronger and more cute. heheh.. Well, i can see that part of your dreams are starting to come true little by little. God is really good.. I told you. He has greater plans for each and every one of us. We just have to wait for the right time for the other opportunities to come, but certainly we have to do our part. Don't worry, you're doin' good. Keep it up and don't mess up ;)

Anyway, i know sometimes you feel your life is goin' nowhere, uncertain.. Well, who doesn't? Questions arise like, what am i doin here? where's the end of the line? hello? heller? who you? asl? Kidding aside.. that sense of uncertainty all boils down to the questions, am i really happy? is something missing? or am just being discontented?

Am i right?! of course i am. I'm your all knowing, omnipotent, cute and friendly paranormal conscience. hmm.. looks like you're tired and sleepy already. I understand you haven't had enough rest since last week and you don't get to watch Pinoy big brother anymore. tsktskk.. anyway, i'll end this letter already. I'll just write to you again. oki.

ciao! g'night!



love,
me too

Labels:



Posted by Che @ 10:16 PM | 0 comments




[ Wednesday, September 14, 2005 ]

thought


... everyone is trying to accomplish something big, not realizing that life is made up of little things ...

...the things that you are scared of most are usually the most worthwhile...

Labels:



Posted by Che @ 6:34 PM | 0 comments




[ Sunday, September 11, 2005 ]

bum no more


back again. been a bum for a week now but it seems like weeks. hay.. Fortunately, got a job already. God is really good! Thank God! yebah! Work will start tom and im kinda excited and a little pressured. New work means.. new officemates, project.. and have to prove myself again.. I'm determine now and motivated. =)

Anyway, i just finished reading "The Alchemist". An advance birthday present from my father. He gave me money and i bought 2 books. The Alchemist by Paolo Coelho and another Dan Brown book, Deception Point. Not aware of the sale, i got a kickback! haha.. I thanked the cashier lady after paying. =) The Alchemist was like The Little Prince. A simple and inspiring story with deeper meaning. After reading it, i found myself writing down the important points..

- Wherever your heart is, that is where you'll find your treasure
- When you want something, all the universe conspires in helping you achieve it
- "..That at a certain point in our lives, we lose control of what's happening to us, and our lives become controlled by fate. That's the world's greatest lie."
- All things are one
- People need not fear the unknown if they're capable of achieving what they need and want
- If you can concentrate always on the present, you'll be a happy man
- The secret is here in the present. If you pay attention to the present, you can improve upon it. And if you improve on the present, what comes later will also be better
- One is loved because one is loved. No reason is needed for loving.
- Love never keeps a man from pursuing his personal legend. If he abandons that pursuit, it's because it wasn't true love.. the love that speaks the language of the world..
- "if i am really a part of your dream, you'll come back one day.." the girl said to the boy

Nice book huh.. =) Next time i'll buy another Paolo Coelho book.

Driver's License renewed. Just renewed my license last thurs and goodness..LTO at cainta sucks!!!! i arrived at around 9:30 am. Submitted my renewal form, drug test result and medical before 10. Waited..waited..and waited for my name to be called for the picture taking. I was called at around 11:45. arghh.. (5 seconds lang ang pag picture!) Then i waited for my name to be called again so that i can already pay to the cashier. until.. it's 12. They have to take lunch and told us to go back at 1. waaaahh!! i don't want to wait there for another hour so i rode a jeep and went to sta. Lucia. (palamig muna..pucha ang init sa LTO! napakawalang kwentang building. parang hindi nga building e.. kulang sa upuan, dinadaanan pa ng sasakyan yung hintayan.) Went to netopia..Surf the net, ate at wendy's and went back again at 1. got my driver's license at 2. Nampota.. an exhausting day! whatta poor procedure!

DVDs.. During the bum week, i managed to watch Taking Lives, Mr. and Mrs. Smith, Charlie and the Chocolate factory, Sex and Lucia, First Daughter and Lolita. Movie buff?! haha.. d pa ren! "If only" was the last movie i've seen in a movie house.

Tsk..tsk.. busy with stuffs..neglecting my sideline project. Goodluck che!


my shout out..
* i want to thank the people who greeted me in advance! you know who you are.. Thanks, thanks, super thanks! =) Maybe sometime we could all go out and celebrate! ;)

Labels: , ,



Posted by Che @ 5:05 PM | 1 comments




[ Wednesday, September 07, 2005 ]

closure


to you..

so now you say
"you're probably mistaken"
somehow i know
it was way overdue

deadened your screams with a pillow
muffled your words
like the mute shrill that you are
affection could not compensate
pleasure could not compensate

thoughts in my head
they come and go
but i don't know
i don't remember who you are
i don't remember who you are
i don't remember how we were

------------+------------+------------

my favorite song as of the moment.. Gemini

Come a little closer
Flicker in flight
We'll have about an inch space
But I'm here I can breathe in
What you breathe out

Let me know if I'm doing this right
Let me know if my grip is too tight
Let me know if I can stay all of my life
Let me know if dreams can come true
Let me know if this one's yours too

Cause I see it
And I feel it
Right here
And I feel you right here

The vacuous right
Steps aside to give meaning
To Gemini's dreaming
The moon on its back
And the seemingly
Veiled room's lit
By the same star

And I feel it right here
And I feel you right here

Kudos SPONGECOLA!!! rock on!!!



Labels:



Posted by Che @ 10:51 AM | 0 comments




[ Thursday, September 01, 2005 ]

kung ano ang maisip


Eto nakatunganga.. Mukang nabisita ko na halos lahat ng kaibigan sa friendster. Nabigyan na din ng friend request ang mga natagpuan na kaibigan. Nabasa ang mga articles sa peyups , blog at inq7.. Nakisali sa balitaktakan sa tipidpc.. Nakapag canvass ng MP3 player at xd card pra sa digicam.. Naka-YM ang mga kaibigan.. at ngayon e nagsusulat naman sa aking munting blog.

Trabaho. Tapos na talaga ang trabaho. Bukas e last day ko na dito sa aking kinauupuan. Di ko alam kung mamimiss ko ba tong trono ko o wala lang. Isang taon. Isang taon din ang tinagal ko dito sa kumpanya. Marahil mamiss ko nga din ano. ehehe.. Sa lunes e isa na naman akong malayang mamamayan. Walang responsibilidad na dapat trabahuhin, walang boss na maguutos ng mga gagawin, walang officemates na makakasalamuha, walang deadlines at higit sa lahat.. walang sweldo. Ayun! Goodluck! pero ayos lang. Pinili ko 'to. Pinili kong magresign para din sa kapakanan ko at ng kumpanya(sa tingin ko lng). Hindi ganun kadali mgresign. Kaya yung ibang mga tao jan, hayaan nyo muna c PGMA sa trono nya. nyahah.. Ngayong araw na 'to dapat mgsimula ang turnover ko sa isa pang developer. Pero asan sya? Ayun. Nasa opisina sa makati. Heller?! andito ko sa boni.. 'Nak ng tokwa nga naman ano. Pano ko maeexplain ang mga bagay-bagay?! So malamang bukas na lang. At mgsusulat muna ko dito.. nyahah..

Lovelife. Baket ba sa tuwing may kamustahan e hindi nwawala ang tanong na.. "kamusta lovelife?" halos lahat ng kaibigan ko na nakakachat ko sa ym o sa friendster e sinasama yan sa kamustahan..ilan sa mga kaibigan na makulit (2 pala jan e x ko, haha..) :

chatty: pssst! kmusta?
ako: oist! ok naman. kaw?
chatty: ok din. ako pa. kamusta lovelife?
ako: wala ko lovelife e.
chatty: bket naman?
-------+-------+-------

ako: hi, kamusta?
roch: hi, ok lang. kaw? musta?
ako: ok naman.
roch: musta gf mo?
ako: wala ako gf
roch: y?
-------+-------+-------

dane: ey lanot!
ako: ey, musta ??
dane: eto ok lng. alis tyo
ako: kelan?
dane: sa sat
ako: indi ako pwede sa sat e.
dane: asus. may gf ka na ba?
ako: wala noh
dane: wala pa din?!
-------+-------+-------

ina: kmusta?
ako: ok lng. kaw?
ina: ok lng. sino na gf mo?
ako: wala
ina: y?
-------+-------+-------

E ANO BA MAGAGAWA NYO E WALA NGA?!! namputa.. heheh.. =)
Sagot ko sa kanilang lahat: e hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko (Yes naman!)

Speaking of lovelife. Naalala ko tuloy.. Kinausap ako ng boss ko nung makalawang linggo dahil sa pagresign ko.. excerpts sa usapan

boss: bka naman lovelife lang yan?!
ako: ngek, e wla nga kong lovelife.
boss: yun nga e. Diba hanggang end ng August ka pa?
ako: yup
boss: o cge, mghanap ka ng lovelife bago mag-end ng August at baka magbago isip mo.

ako: ngek. hehehhe..
boss: =)

D ba ang kulet?! Ayun, hindi pa din nagbago isip ko. D ren ako naghanap ng lovelife. nyahah.. =)


Ber na. September 1 na pala ngayon at malapit na naman ang birthday ko (kala nyo pasko noh?! heheh..). Pang-ilang birthday ko na ba? (hmm..nagmamaang-maangan pa) 22 + 1 = 23. Ayan binuko ko na. Mejo madami ata akong hiling ngayon. Ang hiling kong gitara sa nanay ko e malabo matupad kaya iniba ko na. Libro nlng. Syempre natuwa sya kasi mura nlng. Pero sabi ko tig-isang book sila ni papa. (sinabi ko na din yung title, author at kung magkano. hehe..ayus! love u ma! love u pa!) Si Lord na ang nakakaalam ng iba ko pang kahilingan. =) Ayun. excited pala ko sa birthday ko. Pinipilit kong wag ma-excite pero pagnaiisip ko e naeexcite talaga ko. nyahaha!! kc sa wakas matutupad na yung isang pangarap ko. Lalabas kami ng buong pamilya. woohoo!!! Tuloy na talaga eto.. at tumapat pa na bday ko ang pagpunta sa disneyland. yaahhoo00oo00o!!! pasintabi na po..excited lang.. First time kasi na lalabas ng bansa kaming lahat. The last time e mama, papa at ako lang sa Bangkok. Mejo nakakalungkot kasi di kami kumpleto. Ngayon e mama, papa, leslie, ving, jel at ako sa HK. =) Tapos bday ko pa. Bonding moments eto.. Thank you Lord! ...Life is Good! 'Coz GOD IS GOOD!! =)

So anong pecha na? nuninuninu.. naghihintay na lng ako ng uwian.. ilang minuto na lang e maglalaho nako dito sa kinauupuan ko at mapupunta sa Robinsons Pioneer kung san ako dadaanan ng nanay at tatay ko. Kung san kakain kami sa chowking.. waaaaahhh..

kaya ang dasal ko..
Lord, wag na sana kami kumain sa Chowking kasi purgang purga na ko sa lahat ng pagkain dun. Mapa- pancit, mami, tofu, lauriat at kahit ano pa. KFC? yoko na din po dun. Sana zagu na lng ang bilin nila.. (ngak!)

Tsktsk.. iilan lang ang kainan sa Rob Pioneer. Kaya sa mga nagbabalak mgdate at kumain dun e pinapayuhan ko kayo na sa ibang mall na lng o kaya bumli na lng kayo ng isaw sa kanto at mgeenjoy pa kyo. Biruin mo, yan lang ang mall na nakita kong walang Jollibee o McDo. Kakaiba ano?!

timecheck..18:00. yahoo!! uwian na. =) hanggang sa muli.

ciao!!

Labels: , ,



Posted by Che @ 5:13 PM | 0 comments




© http://cheheki.blogspot.com

[ THIS PAGE IS BEST
VIEWED ON FIREFOX ]


-->              <-->

Categories (labels)
  • ads
  • book
  • celebrations
  • chorva
  • email article
  • food
  • hobbies
  • life
  • love
  • lyrics
  • movies
  • mushy
  • poem
  • rants
  • sports
  • travel
  • work


  • Previous Post
  • finally!
  • nuninuninu..
  • break
  • BER
  • the Big C
  • [point] blank
  • oh,, im busy
  • project project project
  • i got my new baby!
  • Descending to the Top


  • Archives
  • November 2004
  • December 2004
  • January 2005
  • February 2005
  • March 2005
  • April 2005
  • May 2005
  • June 2005
  • July 2005
  • August 2005
  • September 2005
  • October 2005
  • November 2005
  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • October 2008
  • Current Posts




  • Bloggers
  • ardee -> random rants of a nicoffeine junkie
  • carol -> txtbuff
  • ghambz -> sunny skies
  • joan -> endless life travel
  • karen -> bright lights lead to dark shadows
  • kristine -> halo
  • louise -> ketchuplease
  • mai -> paint my world
  • marlee -> blueice dominion
  • my manila -> in bite size edible pieces
  • naj -> slavic for hopeful
  • patri -> pirouette
  • sir chris -> in retrospect
  • sir jay -> artichoke adobo
  • textmates
  • tinten -> kennel of the shire


  • Celeb Bloggers
  • ala p -> alaism
  • bianca g -> diary of a supergirl
  • jim p -> writing on air
  • kc c -> lemon chamomile
  • mich d -> indie boys are neurotic


  • Philippines Real Estate



  • <<------>>


    Commit to the Lord whatever you do and your plans will succeed. - Prov. 16:3


    To take the fear out of living, put your faith
    in the living God. - Judges 6:11-16


    And, when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it. - Paulo Coelho


    Negative experiences when properly understood, are divine gifts that allow us to bounce back with new momentum and wisdom. - Jim Paredes


    Nothing shapes your life more than the commitments you choose to make..They can develop you or destroy you, but either way, they will define you


    Do not fret about what path to take.
    Whatever you choose, you are going home.
    - zen saying


    With great powers comes great responsibility! - che (spidey pla :D)

    <<------>>







    Ratchet Web Solutions

    Powered by Blogger


    Sitemeter